28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Mga tiwaling opisyal ng Bucor na sangkot sa GCTA ibubunyag sa susunod na Senate hearing — Sotto

- Advertisement -

Tahasang ibubunyag sa susunod na pagdinig ng senado kung sino ang mga tiwaling opisyal ng Bucor o Bureau of Corrections ang sangkot sa ma-anomalyang GCTA for sale scheme.

Ito mismo ang ibinabala ni Senate President Vicente Sotto III, kung saan 2 bilanggo na nakalaya sa bisa ng GCTA law ang nakatadang tumestigo sa pagdinig ng senado.

Handa aniyang ipagtapat ng 2 convicts kung sino ang binabayaran nila para maging kuwalipikado sa GCTA.

Ani sotto, maliban pa ito sa 3 pang convicts na handa ring tumestigo hinggil sa GCTA for sale pero biglang umatras sa araw mismo ng pagdinig.

Una rito, matatandaang ini-sa-isa rin ng mga testigong humarap sa senado na si dating Bucor officer-in-charge Rafael Ragos na isa sa aktibidad na pinagkaka-kitaan sa Bucor ang pagpasok ng mga bayarang babae na kung tawagin anya ay tilapia para sa mga high profile inmates.

Sa loob rin anya ng bilibid nangyayari ang pagpaplano ng kidnapping, at sugalan.

Samantala, nakatakda naman sa darating na September 19 ang susunod na pagdinig ng senado hinggil sa kuwestiyunableng implementasyon ng GCTA law.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -