Mga test kits para sa COVID-19 hinihintay na ng DOH

Mga test kits para sa COVID-19 hinihintay na ng DOH

by Powered by DWIZ
74 views

Hinihintay na ng Department of Health (DOH) ang 19,000 mga test kits para sa COVID-19.

Ayon sa DOH, ito ay bilang paghahanda sa pagdating ng daan – daang mga Pilipino na nakasakay sa Diamond Princess cruise ship na apektado ng naturang sakit.

Muling isasalang sa polymerase chain reaction (PRC) test ang 460 hanggang sa 480 na mga Pilipino na nagnegatibo na at sumailalim sa quarantine sa naturang barko.

Nakatakdang tumuloy sa New Clark City ang mga Pilipino darating bukas kung saan muli silang isasailalim sa quarantine.

0 comment

Related Posts