28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga taga-Metro Manila ‘wag munang bumili ng N95 masks, gumamit muna ng regular mask —DOH

- Advertisement -

Nakikiusap ang Department of Health (DOH) sa mga taga-Metro Manila na huwag nang bumili at gumamit ng N95 mask.

Paliwanag ni Health Assistant Secretary Maria Francia Laxamana, mas kailangan kasi ng mga inilikas na residente malapit sa Bulkang Taal ang N95 mask kumpara sa mga nasa Metro Manila.

Aniya, maaari na rin namang gumamit ng regular surgical mask ang mga nasa Metro Manila.

Magugunitang sa pinakahuling forecast ng PAGASA, wala nang inaasahang ash fall sa bahagi ng Metro Manila dahil patungong Northeast na ang direksyon ng hangin hanggang Enero 16.

Samantala, minomonitor naman ngayon ng DOH ang Laguna at Quezon dahil dito na patungo ang hangin kung kaya’t malaki ang posibilidad na dito na mapunta ang volcanic ash.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -