Mga sporting events na ipinagpaliban dahil sa COVID-19 dumarami

Mga sporting events na ipinagpaliban dahil sa COVID-19 dumarami

by Powered by DWIZ
39 views

Patuloy na dumarami ang bilang ng mga sporting events na nagkakansela dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kabilang na rito ang FIBA Asia Cup kung saan nakatakda sanang magharap ang Gilas Pilipinas at koponan ng Thailand sa darating na Pebrero 20.

Habang kanselado na rin mula ngayong araw ang lahat ng sporting events ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Gayunman, tuloy pa rin ang Tokyo 2020 Olympics sakabila ng banta ng naturang virus.

Ayon sa World Health Organization (WHO) hindi kakanselahin ang 17 araw na sports event na nakatakda sa darating na Hulyo 24.

Ayon sa WHO, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Japanese organizing committee’s virus task force hinggil sa contingency plan para sa prestihiyosong palaro.

0 comment

Related Posts