31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Mga sinampahan na ng kaso hinggil sa anomalya sa SAP higit 80 na

- Advertisement -

Higit 80 katao na kinabibilangan ng ilang mga opisyal ang sinampahan na ng kaso hinggil sa maanomalyang pamamahagi ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.

Sa ika-9 na report sa Kongreso at public address ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na may 408 na katao na ang nagreklamo kaugnay sa anomalya sa distribusyon ng SAP na emergency subsidy ng pamahalaan.

Sa naturang bilang, 83 rito ang pormal nang sinampahan ng kasong kriminal habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa nalalabing bilang ng mga inireklamo.

Kasunod nito, sa pinakahuling datos, sinabi ng pangulo na nitong ika-22 ng Mayo, pumalo na sa 97.35% ng nasa 18-milyong target ng SAP ang nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -