Home Headlines Mga posibleng mapasama sa PDP-Laban senatorial line up isinumite na kay Duterte

Mga posibleng mapasama sa PDP-Laban senatorial line up isinumite na kay Duterte

0

Isinumite na ni Senador Koko Pimentel kay Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga posibleng makasama sa senatorial line up ng PDP – Laban.

Ayon kay Pimentel, pangulo ng partido, ang Pangulo ang siyang mag-aapruba kung sino ang magiging opisyal na kandidato ang makakasama sa senatorial line up ng partido.

Kasama sa listahan sina Pimentel, Davao City Mayor Sara Duterte, Deputy Speaker Pia Cayetano, Special Assistant to the President Bong Go, Secretary Francis Tolentino, Robin Padilla, Lito Lapid, Freddie Aguilar, mga broadcast journalist na sina Jiggy Manicad at Mon Tulfo, Karlo Alexei Nograles, dating PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Presidential Spokesman Harry Roque at iba pa.

Kasama rin sa mga posibleng maging kandidato ang ang mga re-electionist senators na sina Cynthia Villar, Sonny Angara, JV Ejercito, Grace Poe at Nancy Binay.

Hindi naman kasama sa listahan si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

—-

 

 

 

Mga posibleng mapasama sa PDP-Laban senatorial line up isinumite na kay Duterte was last modified: August 17th, 2018 by Rianne Briones

Exit mobile version