Mga POGO workers na illegal na nakapasok sa bansa, ipapa-deport

Mga POGO workers na illegal na nakapasok sa bansa, ipapa-deport

by Powered by DWIZ
135 views

Ipade-deport ang mga Chinese POGO workers na mapatutunayang illegal na nakapasok ng bansa at nakinabang sa pastillas scheme.

Ito ang tiniyak ng Palasyo matapos pakilusin ang Bureau of Immigration (BI) na simulan na ang pagtukoy sa mga nabanggit na dayuhan para maisalang agad sa deportation process.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bahagi ng mandato ng BI ang pagpapatapon palabas ng bansa ang mga dayuhang hindi dumaan sa tamang proseso para makapasok ng Pilipinas.

Dagdag ng kalihim, dapat lamang na alam ng lahat ng kawani ng immigration ang lahat ng kanilang mga trabaho lalo na’t kasalukuyang nahaharap sa kontrobersiya ang ahensiya.

0 comment

Related Posts