Mga Pinoy sa ibang bansa na positibo sa COVID-19 mahigit 200 na

Mga Pinoy sa ibang bansa na positibo sa COVID-19 mahigit 200 na

by Powered by DWIZ
49 views

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), pumalo na sa 280 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino mula sa 28 bansa na kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa DFA, mula sa naturang bilang, 168 dito ang nananatiling nagpapagamot sa iba’t-ibang ospital.

108 naman ang nakarekober habang nananatili naman sa apat ang naitalang nasawi.

Samantala, pinakamarami sa naitalang positibo sa virus ay mula sa Asya.

0 comment

Related Posts