35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Mga Pinoy sa Hongkong pinag iingat ng DOLE kaugnay sa kilos protesta sa naturang bansa

- Advertisement -

Pinayuhan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mga Overseas Filipino Workers o OFW na manatili lamang sa loob ng tahanan at umiwas sa mga lugar na pinagdarausan ng mga kilos protesta.

Kasunod ito ng panibagong ulat na natanggap ng DOLE na naantala ang public transport at maging business activities sa HongKong dahil sa mga kilos protesta.

Tinukoy ng Philippine Consulate General sa HongKong ang mga lugar na pagdarausan ng mga kilos protesta:

  • Tsim Sha Tsui Police Station (October 10)
  • New Town Plaza Shatin (October 12)
  • Victoria Park and Edinburgh Place (October 13)
  • Edinburgh Place and Chater Garden (October 14)
  • Resumption of Legislative Council (October 16)
  • The Riverpark Tai Wai To Shatin (October 20)
  • Yuen Long MTR Station (October 21)
  • Tamar Park Admiralty (October 26); and
  • Prince Edward MTR Station (October 31).

Dahil dito, pinaalalahanan ang mga Pilipino doon na mag ingat at maging biligante sa gitna ng mga pagkilos.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -