Mga Pinoy na nahawaan ng COVID-19 sa ibang bansa umakyat na sa 2,178

0
24

Umakyat na sa 2,178 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong nasa ibang bansa na nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay matapos madagdagan ang mga ito ng 38 bagong kaso.

Habang nadagdagan naman ng 60 ang bilang ng mga Pilipinong nasa ibang bansa na nakarekober na mula sa COVID-19 dahilan kaya umakyat na rin sa 640 ang kabuuang bilang ng mga ito.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pinakamarami ang mga Pilipinong nahawaan ng COVID-19 sa Europe at Middle East.

Samantala, nanatili naman sa 253 ang bilang ng mga Pilipinong nasa ibang bansa na nasawi dahil sa COVID-19.