Mga Pinoy na naabutan ng travel ban sa Taiwan walang visa extension — MECO

Mga Pinoy na naabutan ng travel ban sa Taiwan walang visa extension — MECO

by Powered by DWIZ
30 views

Wala ng visa extension para sa mga Pilipinong naabutan ng implementasyon ng travel ban sa Taiwan dahil sa banta ng COVID-19.

Ito ang inanunsyo ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) matapos panindigan ng pamahaalan ang travel ban sa Taiwan.

Ayon kay MECO Chairman Lito Banayo, kinakailangan nang makapag-book ng pinakamaagang byahe pabalik ng Pilipinas ang mga na-stranded na mga Pinoy sa Taiwan.

Hindi na kasi aniya papayagan pa silang manatili sa bansa matapos ang kanilang 14-day visa free stay.

Tinatayang aabot sa 100 Pinoy ang bi-byahe sana patungong Pilipinas ngunit na-stranded matapos abutan ng travel ban.

Aabot naman sa 200 pasahero na patungo sanang Taiwan ang stranded ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

0 comment

Related Posts