Radio Philippines Network
Image default
Sports & Entertainment

Mga Pinoy inimbitahan ni Hollywood actor Joseph Gordon-Levitt na lumahok sa ‘Poetry Around the World’ project

Nanawagan sa kanyang mga Filipino followers si Hollywood actor Joseph Gordon-Levitt na lumahok sa kanyang “Poetry Around the World” project.

Sa kanyang post sa Facebook, inanyayahan ni Gordon-Levitt ang mga mamamayan ng Pilipinas na sumali sa proyekto lalo na ang mga mahihilig sa voice acting.

Aniya, walang ibang gagawin ang mga Pinoy fans kundi magbanggit lamang ng salitang tagalog o Filipino nang malakas sa pamamagitan ng “hitRECord site” na naglalayong makatuklas ng mga mahuhusay sa larangan ng pagsulat, paggawa ng pelikula, musika, at iba pa na may kinalaman sa sining.

Hindi naman binanggit ng aktor kung makakatanggap ng kompensasyon o bayad ang mga lalahok sa nabanggit na proyekto.

Related posts

Blazers wagi kontra Nuggets

Powered by DWIZ

Pacquiao hinamon ng totoong laban si Mayweather

Powered by DWIZ

Lover Fest Tour ni Taylor Swift kanselado

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More