32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Mga Pinoy galing Wuhan patuloy na mino-monitor

- Advertisement -

Patuloy na imo-monitor ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipinong inilikas mula Wuhan, China sa loob ng isang buwan.

Ito ay kahit pa natapos na ng 49 ng mga Pilipino ang kanilang 14 na araw na quarantine period ngayong araw.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, nananatiling negatibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang mga nabanggit na Pilipino at hindi pa rin nakikitaan ng sintomas.

Gayunman sinabi ni Vergeire na kanila pa ring babantayan ang mga ito para malaman kung magkakaroon man ng developments sa kondisyon ng kanilang kalusugan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -