31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Mga Pinoy abroad na nagpositibo sa COVID-19 nadagdagan pa —DFA

- Advertisement -

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa.

Ipinabatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hanggang kahapon, Lunes, nasa 990 na overseas Filipinos ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa 42 bansa at rehiyon.

Sa naturang bilang, 584 ang patuloy na ginaamot sa iba’t ibang ospital.

Sinabi ng DFA na 263 naman ang naka-recover sa COVID-19 at 143 ang death toll sa nasabing virus.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19-positive na overseas Pinoys sa bahagi ng Asia Pacific na may 274 cases, sumunod ang Europe na may 351 cases, Middle East/Africa na nakapagtala ng 156 cases at Americas na mayroong 209 cases.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -