35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mga ospital sa bansa itinaas na sa ‘code white alert’ para sa pagsalubong ng Bagong Taon —DOH

- Advertisement -

Itinaas na sa code white alert sa lahat ng ospital sa bansa dahil sa inaasahang pag dagsa ng mabibiktima ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon sa DOH, naka stand by ang lahat ng medical staff at emergency personnel sa pag dagsa ng mga pasyente ngayong bisperas hanggang sa bagong taon.

Sa Jose Reyes Hospital, nakahanda na ang orthopedic station mula sa simpleng sunog hanggang sa pagputol ng mga parte ng katawang lubhang maapektuhan ng paputok.

Nakalatag na ang kanilang kagamitan pamputol ng buto at mga itlog para naman sa mga makakakain ng watusi at iba pang toxic substance.

Sa huling tala ng DOH, umabot na sa 54 ang bilang ng mga firecracker related injuries sa buong bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -