32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga oil companies may tapyas presyo sa mga produktong petrolyo

- Advertisement -

Nag-anunsyo na ang mga kumpaniya ng langis kaugnay sa kanilang pagtatapyas presyo sa mga produktong Petrolyo

Buena manong magpapatupad ng kanilang rollback ang kumpaniyang seaoil epektibo 6 ng umaga bukas, hulyo 22

25 sentimos ang kanilang tapyas sa kada litro ng Gasolina, 20 sentimos naman sa kada litro ng Diesel at 40 sentimos sa kada litro ng Kerosene

Ganito rin ang ipatutupad na rollback sa presyo ng mga produktong Petrolyo ng mga kumpaniyang Shell at Petro Gazz sa Martes, Hulyo 23 ganap na 6 ng umaga

Pero sa kabila ng naka-ambang bawas presyo nananatili namang mataas ang presyo ng langis bunsod na rin ng ilang linggong Oil Price Hike

Batay sa monitoring ng Department of Energy mula Hunyo 18 hanggang Hulyo 16 , nasa 3 piso at 15 sentimos ang itinaas sa kada litro ng Gasolina habang 2 piso at 40 sentimos ang itinaas sa kada litro ng Diesel at Kerosene

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -