29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mga negosyo ‘di naman kailangan magsara kung mayroong mang empleyado nila mag-positibo sa COVID-19 —DTI

- Advertisement -

Hindi naman kailangang mag-sara o ipatigil ang operasyon ng mga negosyo sa oras na mag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa kanilang mga empleyado.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez, kung mayroong mang empleyado ang isang kumpanya ang mag positibo sa COVID-19 ay kailangan na agad na magpatupad ng santitation at disinfection.

Aniya, dapat ding agad na pauwiin at isailalim sa quarantine ang mga nakasalumuha nito.

Binigyang diin din ni Lopez na tanging ang mga empleyado lamang na mayroong sintomas ng COVID-19 at mga nakasalumuha ng mga COVID-19 patients ang maaring isailalim sa COVID-19 tests.

Aniya otomatiko kasing itinuturing na ‘suspected’ ang mga indibidwal na mayroong sintomas ng COVID-19 at nakasalamuha ng mga nag positibo sa sakit kaya’t maari silang dalhin sa mga pcr testing facilities.

Sinabi pa ni Lopez, dapat sagutin ng kumpanya ang gastusin sa pagsailalim ng mga empleyado sa COVID-19 tests sa pamamagitan aniya ng mga health insurance.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -