- Advertisement -
Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagpapaupa na huwag munang singilin ang mga nangungupahan.
Ayon sa Pangulo, siya’y naaawa sa mga nangungupahan na hindi makapagbayad dahil sa epekto ng krisis sa bansa bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Samantala, hinihimok naman ng Pangulo ang publiko na magtulungan lalo na’t kung hindi naman ito magdudulot ng pagkalugi sa kanilang mga negosyo.
- Advertisement -