35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mga matatanda, ‘vulnerable’ sa COVID-19 prayoridad mabigyan ng bakuna —Roque

- Advertisement -

Prayoridad ng pamahalaan na mabigyan ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga matatanda at iba pang mga indibidwal na itinuturing na ‘vulnerable’ sa virus.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon ng vaccination plan ang pamahalaan sa oras na mailabas na ang bakuna laban sa COVID-19.

Aniya, sanay naman ang gobyerno na magbigay ng bakuna sa publiko kaya’t hindi magiging mahirap ang pagpapatupad nito.

Gayunman, sinabi ni Roque, mataas ang demand ng naturang bakuna dahil kailangan ito ng buong mundo kaya’t hindi lahat ay mabibigyan nito at tanging ‘yong mga mas nangangailangan naman gaya ng mga senior citizens at mga indibidwal na madaling mahawaan ng virus.

Dagdag pa ni Roque, sasagutin din ng pamahalaan ang gastusin para sa vaccine para sa mga mahihirap na sector at maari rin namang pasanin ng PhilHealth ang bayad para rito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -