33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mga Mall Sa Gensan Balik Operasyon Na

- Advertisement -

Isang araw matapos ang Magnitude 6.9 na lindol na naramdaman SA GenSan, balik-operasyon na ang mga mall sa GenSan.

Dalawang buwan matapos nasunog ang malaking bahagi, muli nang nagbukas ang GMall GenSan kahapon, December 16, 2019. Bukas lamang sa publiko ANG bag-ong gusali ng mall habang nakakurdon ang bahaging natupok.

Hindi naman naantala ang operasyon ng Robinson’s Place GenSan kahapon. Sa katunayan ay nagkaroon pa ng boxing tournament sa atrium at siksikan din ang tao sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs at Professional Regulatory Commission.

Balik-operasyon din ANG magkatapa na Veranza Mall at KCC Mall. Nagtamo ANG mga ito ng minor cracks ngunit ligtas pa naman diumano para sa publiko base SA assessment.

Gumuho naman ang ilang bahagi ng kisame sa SM City GenSan. Pasado alas-Tres ng hapon NA nang muling mag bukas ang mga tenant ng mall.

Sa kaugnay pang balita, nagpalabas ng memorandum ang pamunuan ng Ramon Magsaysay Memorial Colleges na suspendido ang pasok ng senior high school at kulahiyo ngayong linggo hanggang Enero 2020 dahil sa nakitang crack sa isang gusali ng eskwelahan. Habang patuloy naman ang practice teaching ng mga 4th year education students na naka-deploy.

Maliban sa RMMC ay inaantay pa ng RPN GenSan ang anunsyo ng iba pang mga paaralan.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -