Mga magsasaka sa Benguet itinatapon ang mahigit isang toneladang gulay

Mga magsasaka sa Benguet itinatapon ang mahigit isang toneladang gulay

by Powered by DWIZ
22 views

Itinatapon na lamang ng mga magsasaka sa Benguet ang mahigit isang toneladang gulay.

Ito ay dahil lubha na ring apektado ang biyahe ng mga aning gulay na nagdulot naman ng oversupply.

Batay sa ulat, mahigit isang toneladang suplay ng pechay baguio ang itinapon na lamang ng mga magsasaka, dahil hindi na umano na ibi-benta ang mga ito dahil sa pagbagsak sa demand ng mga gulay.

Dahil dito, nanawagan ang mga magsasaka sa mga Local Government Unit (LGU)’s na bilihin na lamang ang kanilang aning gulay bilang relief goods sa mga pamilyang na-apektuhan ng enhanced community quarantine sa Luzon.

0 comment

Related Posts