33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Mga LSI dapat isailalim sa libreng COVID-19 swab test — Recto

- Advertisement -

Nais ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na masuri rin ng libre kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga locally stranded individuals (LSI’s).

Ito’y makaraang isailalim sa libreng testing ang mga VIP’s na dumalo sa Batasan Pambansa nang idaos ang ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagdidiin pa ni Recto, kung ang mga opisyal ng gobyerno na itinuturing na VIP ay nakatanggap ng libreng swab test, ay dapat din aniyang ilibre sa testing ang mga LSI’s na tinawag niyang ‘VIP’ o ‘very important pasaheros’.

Paliwanag pa ni Recto, ang hakbang na ito ay para matiyak na hindi magiging carrier ng virus ang mga pauwing LSI’s sa kani-kanilang mga pamilya.

Kasunod nito, umaasa si Recto na pagbibigyan ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kanyang panawagan.

Sa ngayon kasi, tanging sa rapid test lang isinasailalim ang mga LSI’s, at isasailalim lamang sa swab test o confirmatory test oras na mag-positibo sa nauna COVID-19 test. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -