Mga korte sa NCR suspendido ang pasok

Mga korte sa NCR suspendido ang pasok

by Powered by DWIZ
12 views

Suspendido na ang pasok sa mga korte sa National Capital Region (NCR) simula alas dose ng tanghali.

Sa inilabas na abiso ng Supreme Court-Public Information Office, ipinag-utos na ni Chief Justice Diosdado Peralta ang suspensiyon ng pasok dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy sa Metro Manila.

Sakop ng suspensyon ang Korte Suprema, Court of Appeals, Court of Tax Appeals,  Sandiganbayan at mga mababang korte.

Samantala, sinuspindi na rin ng Civil Service Commission (CSC) ang pasok sa trabaho kung saan sakop nito ang kanilang mga regional offices sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Metro Manila.

Kasabay nito, suspendido na rin ang pasok ng trabaho ng mga empleyado ng Commission on Human Rights (CHR) sa mga lugar na maapektuhan ng bagyo.

Sa abiso ng CHR, walang pasok sa central office ng CHR-NCR at sa CHR-Region 4-B, upang masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado lalo na sa mga lugar na apektado ng bagyo.

0 comment

Related Posts