31.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Mga koponan na mananalo sa Olympic qualifying tournament ay makakasama sa Tokyo 2020 Olympics

- Advertisement -

Inilabas na ng FIBA ang listahan ng 24 na koponan na lalahok sa apat na Olympic qualifying tournament.

Ang mga mananalo sa naturang tournament ay makakasama ng walong automatic qualified teams para sa Tokyo 2020 Olympics.

Ang walong ito ay ang mga koponan mula sa Argentina, Australia, Spain, France, Iran, Japan, Nigeria at Estados Unidos.

Gaganapin ang qualifying tournament sa ika -23 hanggang ika-28 ng Hunyo sa susunod na taon.

Samantala, tuluyan nang naglaho ang tiyansa ng Gilas Pilipinas matapos hindi makasama sa naturang listahan.

Sa ngayon ay nasa rank 31 ang koponan matapos ang isinagawang FIBA World Cup 2019.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -