Radio Philippines Network
National News

Mga estudyanteng nakapag-enroll na sa public schools sa Maynila nasa mahigit 246,000 na

Tinatayang nasa 246, 102 ang kabuuang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll na sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Maynila.

Batay sa datos na inilabas ng Division of City School (DCS) Manila, mula sa kabuuang bilang na nakapag-enroll sa lungsod – 154,004 dito ay sa elementarya, 81,588 sa junior high, habang 10,510 naman sa senior high.

Dagdag pa ng DCS-Manila, nasa 4,659 na mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan ang lumipat sa public schools.

Samantala, umaasa naman ang DCS Manila na dadagsa ang mag-eenroll ngayong huling araw ng enrollment.

Related posts

PDEA chief tinanggalan na umano ng security — Gordon

Powered by DWIZ

29 emergency quarantine facilities natapos na ng AFP

Powered by DWIZ

OSG walang kinalaman sa desisyon ng NTC hinggil sa ABS-CBN shutdown

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More