Mga eksperto binalaan ang publiko sa paggamit sa alternatibong rubbing alcohol

0
18

Binalaan ng mga eksperto ang publiko hinggil sa mga ginagamit na alternatibong rubbing alcohol.

Ito ay matapos na mag-lipana sa social media ang iba’t-ibang mga pamalit sa rubbing alcohol sa gitna nang kakulangan ng suplay nito dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Integrated Chemists of the Philippines (ICP), hindi maaring gamiting pamalit sa rubbing alcohol ang paglalagay ng bleaching solution sa inuming alak.

Kamakailan kasi nag viral sa social media ang video ng isang lalaki kung saan makikita na hinahaluan nito ng bleaching solution ang alak dahil maari umano itong gawing disinfectant.

Dahil dito, binigyan ng ICP na mapanganib ang naturang kombinasyon at hindi ito dapat tularan lalong hindi ito dapat gamiting disinfectant.

Paliwanag ng grupo, nakakamatay ang naturang kombinasyon, at hindi dapat basta-basta nagtitimpla ng anumang alternatibo sa rubbing alcohol ang mga hindi naman bihasa sa larangan.

Sinabi ng grupo na dapat ipaubaya na lamang ng publiko ang pag-gawa sa mga dis-infectants lalo na sa panahon ngayon na nag lipana ang mga virus.