Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Mga dayuhang apektado ng cancelled flights dahil sa bulkang Taal hindi sisingilin ng overstaying fee —BI

Hindi na sisingilin pa ng overstaying fees ng Bureau of Immigration ang mga dayuhang apektado ng mga kanseladong flight dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Ayon kay Immigration commissioner Jaime Morente, isang natural calamity aniya ang dahilan kung bakit maraming flight ang nakansela kung saan apektado ang maraming dayuhan na nasa bansa.

Ani Morente, hindi inaasahan ang mga ganitong pangyayari at wala rin naman umanong may gustong maranasan ito.

Kasabay nito nilinaw ni Port Operations Division chief Grifton Medina, na tanging ang mga pasaherong apektado ng kanselasyon ng flight dahil sa bulkang Taal ang exempted sa pagbabayad ng multa.

Mangyari lang aniyang iprisinta ang boarding pass, outbound ticket na may petsang January 12 o 13, at canceled immigration departure stamp na may kaparehas na nabanggit na petsa.

Related posts

MMDA bumuo ng inter agency task force para maresolba ang problema sa trapiko sa EDSA

Powered by DWIZ

P2P operation ng UV express service mahigpit na ipatutupad – LTFRB

Powered by DWIZ

Cong. Romualdez kumpiyansang lulusot sa Kamara ang tax at economic reform programs ni Pangulong Duterte

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More