27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Mga Chinese nationals na sangkot sa illegal medical facilities dapat ipa-deport, i-blacklist

- Advertisement -

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na dapat ipa-deport at i-blacklist ang mga Chinese nationals na nahuling nagpapatakbo ng iligal na medical facilities sa bansa para sa mga Chinese patients na may coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa senadora, ang garapalang iligal na aktibidad ng mga Chinese sa bansa ay insulto sa batas at bawat Pilipinong sumusunod sa quarantine measures.

Aniya, dapat ring sampahan ng kasong paglabag sa Food and Drug Administration law, medical act of 1959 at hospital licensure act ang mga Chinese nationals na nahuli at mahuhuling nasa likod ng pagpapatakbo ng mga underground clinics o hospitals.

Magugunitang magkakasunod na nadiskubre ng Philippine National Police (PNP) ang mga iligal na establisyimento sa Paranaque, Pampanga at Makati na umano’y para sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at iba pang Chinese nationals.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -