Mga checkpoints sa barangay pamumunuan na ng PNP

Mga checkpoints sa barangay pamumunuan na ng PNP

by Powered by DWIZ
28 views

Isinailalim na sa superbisyon ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng checkpoints na itinatag sa mga barangay.

Ipinag-utos ito ni PNP Directorate for Operations Director, Major General Emmanuel Luis Licup, matapos makatanggap ng maraming reklamo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga barangay checkpoints.

Layon nito na matiyak na naipatutupad ng tama ang guidelines ng Inter-Agency Task Force sa community quarantine.

Una rito, nakatanggap di umano ng reports ang DILG hinggil sa mga cargo trucks na nahihirapang dumaan o kaya ay hinaharang sa mga checkpoints.

Maliban pa ito sa mga reklamo laban sa mga aroganteng barangay officers na tumatao sa mga checkpoints.

0 comment

Related Posts