29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Mga bus na bumibyahe sa Metro Manila binawasan — LTFRB

- Advertisement -

Pagkalito at mabigat na daloy ng trapiko ang sumalubong sa mga mananakay sa unang araw ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra, binawasan kasi nila ang ruta ng mga bus na bumibiyahe sa Metro Manila.

Mula aniya sa dating 96 na ruta ng mga bus noon ay ginawa na lamang nila itong 31.

Sinabi ni Delgra, ni-rationalized nila ang mga ruta ng bus upang makontrol ang pagbaba at pagsakay ng mga pasahero kung saan nagtalaga na lamang sila ng designated na mga bus stops.

Dagdag pa ni Delgra, binigyan din nila ng direktiba ang mga bus driver na magsakay o magbaba lamang ng mga pasahero sa mga designated bus stops.

Paliwanag pa nito, ang mga designated bus stops ay para lamang sa kalusugan at kapakanan ng publiko kung saan mahigpit din nilang ipinapatupad ang minimum health protocols gaya ng social distancing at pagsusuot ng face masks.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -