Home Headlines Mga batang nasasangkot sa kalakaran ng iligal na droga dumarami ayon sa...

Mga batang nasasangkot sa kalakaran ng iligal na droga dumarami ayon sa PDEA

0

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga menor de edad na nasasangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.

Batay sa tala ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency, nasa 2,111 ang kanilang naaresto at nasagip dahil sa paggamit ng iligal na droga simula noong 2011 hanggang Hunyo 15, 2018.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, sinamantala ng mga sindikato ang itinatakda ng batas partikular na ang Section 6 ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na nagsasabing “excempted” ang mga menor de edad o bata mula sa kriminal na pananagutan.

Nanindigan naman si Aquino na kahit mga “minor offender” ay kanilang pananagutin basta mapatunayan ng korte na alam nila at naiintindihan ang kanilang ginawang krimen.

Mga batang nasasangkot sa kalakaran ng iligal na droga dumarami ayon sa PDEA was last modified: August 4th, 2018 by Arianne Palma

Exit mobile version