- Advertisement -
Pumalo na sa higit 300 toneladang basura ang nahakot ng mga otoridad sa kasagsagan ng Traslacion, kahapon.
Batay sa tala ng Manila Public Information Office (Manila-PIO), katumbas ito ng 68 trak ng basura.
Sinabi ng Manila-PIO na bagamat maraming basura ang nahakot sa ruta ng prusisyon ay mas kaunti ito kumpara sa nahakot na basura noong Traslacion na umabot pa sa 389 tons na basura o halos 100 trak ng basura.
Sa ngayon, patuloy naman ang paglilinis ng department of public services ng Maynila at ng MMDA sa paligid ng Quiapo sa Maynila.
- Advertisement -