36.1 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Mga barangay dapat may otoridad na tukuyin kung sino lang pwede sa SAP

- Advertisement -

Dapat na bigyang kapangyarihan ang mga barangay na tukuyin ang mga kuwalipikadong benepisyaryo ng social amelioration program (SAP).

Ito ay sa ilalim ng isinumiteng House Resolution number 807 na isinumite ni Marikina City Rep. Bayani Fernando na naglalayong bigyang otoridad ang mga barangay na tukuyin ang dapat makatanggap ng tulong pinansiyal sa ilalim ng SAP.

Aniya, mas alam kasi ng mga barangay ang mga mahihirap na pamilya sa kanilang mga nasasakupang lugar.

Sinabi pa ni Fernando na dapat isapubliko ng mga barangay ang mga listahan ng kuwalipikadong benipisyaryo ng SAP, at dapat din itong ipadala sa dilg.

Paliwanag pa nito, kapag isinapubliko kasi ang naturang listahan ay may garantiya na hindi lamang mga kamag-anak at ka-alyado ng kapitan ng barangay ang nakatanggap ng ayuda.

Matatandaang, kaliwa’t-kanang reklamo ang natanggap ng DILG hinggil sa mga anomalyang kinasangkutan ng mga opisyal ng barangay dahil sa pamamahagi ng ayuda sa mga sap beneficiaries.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -