35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mga bangkay sa gumuhong grocery store sa Davao del Sur nadagdagan pa

- Advertisement -

Nadagdagan pa ang mga bangkay na nakuha sa gumuhong grocery store sa Padada, Davao del Sur.

Kasunod ito ng pagtama ng magnitude 6. 9 na lindol sa probinsya kahapon, December 15.

Ayon Padada Mayor Pedto Caminero, nakuha na ang 2 bangkay habang isang bangkay ang patuloy pa ring ni re-recover.

Nagpapatuloy naman ang search and rescue operation para sa pinaniniwalang  6 pang katao na natabunan sa naturang gusali.

Naniniwala naman ang marami sa lugar na mas marami pa ang posibleng na–trap sa ilalim dahil araw ng pamilihan ang Linggo nang maganap ang lindol.

Una nang kinumpirma ng PDRRMO na 2 na ang naunang namatay sa nangyaring lindol sa probinsya.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -