Mga atletang Pinoy patuloy na umaarangkada sa 30th SEA Games

Mga atletang Pinoy patuloy na umaarangkada sa 30th SEA Games

by Powered by DWIZ
12 views

Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng mga manlalarong Pinoy para sa ikalawang araw ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ito ay matapos madagdag ang dalawa pang gintong medalyang nasungkit nina Monica Torres sa women’s individual duathlon at Lea Belgira sa women’s downhill mountain bike event.

Tatlong minuto ang agwat ni Torres sa mga manlalaro ng Thailand at Vietnam na siya namang nakakuha ng silver at bronze medal.

Sa kabila ng masamang lagay ng tiyan ni Torres, nagawa pa rin niyang maipanalo ang women’s individual duathlon na ginanap sa Subic.

Samantala, si Belgira naman ang unang nakakuha ng ginto sa 12 cycling event para sa SEA Games.

0 comment

Related Posts