34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Mga alagang baboy sa Sitio Bakal hindi nakitaan ng sintomas ng ASF — Belmonte

- Advertisement -

Walang isasagawang culling o pagpatay sa mga alagang baboy ang Quezon City government sa Sitio Bakal sa Barangay Bagong Silangan.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, hindi nakitaan ng sintomas ng African Swine Fever (ASF) ang mga alagang baboy sa Sitio Bakal.

Wala rin aniya silang natanggap na ulat ng pagkamatay ng mga baboy sa nabanggit na lugar.

Dagdag ni Belmonte, malayo rin aniya ang Sitio Bakal sa pangunahing bahagi ng Bagong Silangan na una nang naapektuhan ng ASF.

Gayunman sinabi ng Alkalde na magpapatupad pa rin sila ng quarantine sa Sitio Bakal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -