Radio Philippines Network
Headlines National News

Metro Manila nananatiling sentro ng COVID-19 —DOH

Nananatiling episentro ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Metro Manila.

Ito ang binigyang diin ng Department of Health (DOH) kasunod ng naging pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na Cebu na ang bagong sentro ng nakamamatay na sakit.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, susubukan pa nilang i-analize ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Cebu, ngunit sa ngayon ay nananatiling sentro ng COVID-19 ang National Capital Region (NCR).

Dagdag pa nito, mayroon ding nakikita ang ahensya na bagong hotspots sa ilang bahagi ng bansa dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Kabilang na sa kanilang mahigpit na inoobserbahan ang ilang lalawigan sa Mindanao, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Oriental, South Cotabato, Sultan Kudarat, Maguindanao, Bukidnon, Lanao Del Norte at Misamis Oriental.

Samantala, isang namang tinitingnang dahilan ng DOH sa pagdami ng kaso ang paggalaw ng tao kung saan nagiging sanhi ng community transmission.

Related posts

Pagbubukas ng klase para sa SY 2020-2021, itinakda sa August 24

Powered by DWIZ

Pagpalit sa Smartmatic bilang election service provider pinaboran ng simbahang katolika

Powered by DWIZ

Rollback sa presyo ng petrolyo asahan

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More