Metro Manila, ilang lalawigan patuloy na uulanin — PAGASA

Metro Manila, ilang lalawigan patuloy na uulanin — PAGASA

by Powered by DWIZ
10 views

Patuloy na makararanas ng malakas na buhos ng pag-ulan ang Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, itinaas na ang yellow warning sa Metro Manila, Rizal at Cavite.

Orange warning naman ang nakataas sa Batangas at Laguna, habang red warning naman sa Quezon Province.

Ayon sa PAGASA, makararanas din ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Bataan, Pampanga, Bulacan, Tarlac at Nueva Ecija.

Itinataas ang yellow rainfail warning kapag aabot sa 7. 5 hanggang 15 millimeters ang dami ng ulan na bubuhos sa susunod na isang oras, at inaasahan na magpapatuloy ito.

Sa ilalim nito, pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa kundisyon ng ulan.

Orange rainfall warning naman kung aabot sa 15 millimeters hanggang 30 millimeters ang dami ng buhos ng ulan sa susunod na isang oras, at nagbabadya na ang pag-baha sa naturang lugar.

Red rainfall warning naman ang itinataas kung mahigit sa 30 millimeter ang ulan na bubuhos sa susunod na isang oras at inaasahan na umabot pa ito sa 65 millimeter sa susunod na tatlong oras.

Sa ilalim ng red rainfall warning, inaasahan na ang pagkilos at paglikas ng mga residente dahil sa inaasahang pagbaha.

0 comment

Related Posts