Radio Philippines Network
Headlines National News

Metro Manila disaster council kumikilos na rin vs. 2019 nCoV-ARD

Kumikilos na rin ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) na binubuo ng mga alkalde para mapigilan ang pagkalat ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, mayroon nang hotlines ang bawat syudad sa Metro Manila kung saan pwedeng humingi ng tulong ang sinumang mayroong sintomas ng 2019 nCoV-ARD.

Sinabi ni Garcia na halos lahat na rin ng syudad sa Metro Manila ay mayroon nang kanya-kanyang isolation tents.

May ispesyal naman anyang papel ang Parañaque Local Government Unit (LGU) kung saan sila ang titiyak na walang mayroong sintomas ng 2019 nCoV-ARD sa mga manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Samantala, ang Philippine National Police (PNP) naman anya ang responsable sa sapilitang pagdadala ng mga hinihinalang 2019 nCoV-ARD patients na ayaw magpa-checkup sa ospital.

Related posts

Mga lugar sa bansa na may biglaang pagdami ng kaso ng COVID-19 posibleng ibalik sa ECQ — DOH

Powered by DWIZ

‘Recto Bank incident’ hindi minamaliit ng gobyerno – Nograles

Powered by DWIZ

Renewal ng business permit sa Maynila pinalawig pa

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More