28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Meralco Bolts nagwagi kontra Magnalia Hotshots

- Advertisement -

Tinalo ng Meralco Bolts ang Magnolia Hotshots sa score na 98-92 sa PBA Governor’s Cup 2019 na ginanap sa Araneta Coliseum kagabi.

Halos 16 na puntos ang lamang ng Hotshots ngunit pagdating ng second half ng fourth quarter ay naungusan na sila ng Bolts.

Namayagpag si Bolts player Chris Newsome na nakapagtala ng 22 points, 10 rebounds at tatlong assist.

Sinelyuhan naman ang panalo ng Bolts ni Baser Amer matapos pumasok ang kanyang free throw tatlong segundo bago matapos ang laro.

Samantala, maghaharap naman ang Rain or Shine at Columbian Dyip mamayang alas kwatro imedya ng hapon at Ginebra at Alaska mamayang 6:45 ng gabi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -