Medical students pinasasabak vs. COVID-19

Medical students pinasasabak vs. COVID-19

by Powered by DWIZ
20 views

Iminungkahi ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo sa Department of Health (DOH) na isabak o patulungin na rin ang mga medical students laban sa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa mambabatas, marami na kasing mga doktor at nurse na naka-quarantine matapos na ma-expose sa mga COVID-19 patients.

Dahil dito, kulang na aniya ang mga medical team sa bansa na siyang itinuturing na frontliners sa paglaban sa COVID-19.

Aniya, kabilang sa mga ospital na nangangailangan ng medical team ay St. Lukes Quezon City at BGC, Makati Medical Center, Cardinal Santos Medical Center at Medical City.

Samantala, ang mga kwalipikadong medical students ay ang mga nakakumpleto ng apat na taong medical course, graduates ng medisina at registered nurses.

Umaasa naman ang mambabatas na bibigyan ito ng otorisasyon ni health secretary francisco duque the third upang makatulong sa medical services sa kasagsagan ng epidemyang COVID-19.

0 comment

Related Posts