Mayroong sapat na panahon ang Kamara para talakayin ang prangkisa ng ABS-CBN—Cayetano

Mayroong sapat na panahon ang Kamara para talakayin ang prangkisa ng ABS-CBN—Cayetano

by Powered by DWIZ
15 views

Tiniyak ni House Speaker Allan Peter Cayetano na mayroong sapat na panahon ang Kamara para talakayin ang panukalang batas para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Cayetano, alam naman ng ABS-CBN na uunahin ng Kamara ang pagtalakay sa budget at revenue bills.

Mahaba pa anya ang panahon para talakayin ang ibang panukala tulad ng prangkisa ng ABS-CBN na magtatapos pa naman sa Marso ng susunod na taon.

Una rito, muling binalaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN na titiyakin nyang hindi na ito mabibigyan ng prangkisa.

0 comment

Related Posts