May mga nabiktima ng maling informasyon ng siudad ng Baguio sa kanilang pagtutuloyan

0
3

Baguio City – Nagbabala si Mayor Benjamin Magalong laban sa scammers o mga nanlilinlang ng mga bisita at mga estudyante na naghahanap ng matutuluyan sa lungsod ng Baguio.

Sinabi ni Magalong sa manluluko na wala silang lugar dito sa lungsod ng Baguio. Binalaan sila na hahabulin sila ng batas.

Sinabi ng Ama ng Lungsod ng Baguio nakikipag-ugnayan siya sa Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police upang hanapin at kilalanin ang mga scammers para mahuli at mapatawan ng parusa.

Anya ang mga panluluko ay nangyayari naman sa online lalong lalo na ngayon panahon at sa nalalapit na pagbabakasyon sa kapaskuhan.  Kanyang idinagdag na marami ang nagpapanggap bilang ahente na konektado sa legitimong establisemento na naglalagay pa ng mga patalastas sa social media pages kasama ang mga larawan at impormasyon sa legitimong establisemento na hindi alam mismo ng tunay na mga ari nito. 

Ang manloloko ay kalamitan ay humihingi ng reservation fee o ng down payment at matapos matanggap ang bayad saka naman ng mga ito na binablock sa social media ang kawawang customers. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of LGU Baguio)

Leave a Reply