35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Matteo Guidicelli naglunsad ng online talent show

- Advertisement -

Naglunsad ng isang online talent show si Matteo Guidicelli na naglalayong makatuklas ng mga bagong idolo sa entertainment industry.

Ang “The Pop Stage” ay ipapalabas sa official Facebook page ni Guidicelli, katuwang ang Popeyes at Viva Artists Agency.

Sa isang virtual press conference, binanggit ni Guidicelli na itatampok sa kompetisyon ang talento at ang pagiging malikhain ng mga Pilipino.

Ang mga grupo o indibidwal na may edad 13 hanggang 25 taong gulang ay maaaring sumali sa “The Pop Stage” sa pamamagitan nang pagbisita sa www.thepopstage.ph at i-send ang kanilang audition piece hanggang Mayo 27.

Ang tatanghaling kampeon ng “The Pop Stage” ay makatatanggap ng P1 milyon na cash at one-year contract sa Viva Artists Agency.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -