Radio Philippines Network
Image default
Sports & Entertainment

Matteo Guidicelli inireklamo ng umano’y panununtok sa gitna ng kasal nila ni Sarah G

Kinumpirma ng Taguig Police ang napaulat na panununtok ng aktor na si Matteo Guidicelli ang isang malapit na security ng actress-singer na si Sarah Geronimo sa gitna ng seremonyas ng kanilang civil wedding kagabi.

Ayon sa Taguig Police, nagsampa ng kaso laban sa aktor ang private security guard ng pamilya ni Sarah na si Jerry Tamara kaninang umaga kaugnay sa pagsapok di umano sa kanya ni Matteo  sa loob ng isang mamahaling hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig dakong alas-11 kagabi.

Batay pa sa salaysay ni Tamara, inaakusahan kasi siya ni Guidicelli na nagsumbong sa ina ni Sarah na si Mommy Fivine kaugnay sa sikretong kasal nila ni Sarah.

Hindi raw kasi ipinaalam kay Mommy Divine ang naturang kasalan nina Matteo at Sarah, kung kaya’t nagulat sila sa biglaang pagdating nito at paghiling na makausap ang kanyang anak.

Samantala, magugunitang una nang napapabalita na tutol si Mommy Divine sa pagpapakasal ng kanyang anak.

Related posts

Nuggets pintaob ang Spurs

Powered by DWIZ

Pilipinas at Sokor muling nagkasama sa Group ang FIBA Asia Qualifiers

Powered by DWIZ

Thompson posibleng hindi na makapaglaro sa darating na NBA season

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More