Radio Philippines Network
Image default
Sports & Entertainment

Matteo Guidecelli at Sarah Geronimo nagpalitan ng Valentine’s Day greetings

Pinakilig ni Matteo Guidicelli ang kanilang fans ni Sarah Geronimo sa Valentine’s Day kahapon.

Sa isang social media post, ibinahagi ni Matteo ang kanilang larawan ni Sarah kung saan magka-holding hands ang dalawa, at ipinapakita ang kanilang engagement ring.

Sa naturang instagram post, sinabi ni Matteo na hindi niya kailanman iiwan ang Popstar Princess dahil lubos ang pagmamahal niya rito.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Matteo na magiging kaabang-abang ang concert show ni Sarah kasama ang Asia’s songbird na si Regine Velasquez mamayang gabi.

Matatandaang sa instagram din inanunsyo ni Matteo ang engagement nila ni Sarah.

Related posts

Nowitzki magreretiro na sa NBA

Powered by DWIZ

Pagpapalit ng mga manlalaro sa pagitan ng Black Water Elite, Phoenix Pulse aprubado na

Powered by DWIZ

Maine Mendoza inaming exclusively dating na sila ni Arjo Atayde

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More