29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Matapos bumaba ang satisfaction ratings, cabinet members doble-kayod ayon sa Malakanyang

- Advertisement -

Doble kayod ngayon ang mga miyembro ng gabinete ng Duterte administration para mabigyan ng komportbaleng pamumuhay ang mga Filipino.

Ito’y matapos lumabas sa resulta ng SWS o Social Weather Stations survey na bumaba ang net satisfaction ratings ng cabinet members ni Pangulong Rodrigo Duterte nuong hunyo mula sa dating positive 28 ay naging positive 25 na lamang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinikilala ng gabinete ang resulta ng survey at mas magsusumikap ang mga ito para maipaabot sa taong bayan ang mga programa ng pangulo.

Sinabi pa ni Roque na posibleng pag-usapan sa kanilang susunod na cabinet meeting ang naturang survey at kung ano mga hakbang na gagawin  para mapaganda pa ang kanilang serbisyo sa publiko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -