Radio Philippines Network
Headlines National News

Masagana, maunlad, mapayapang pamahalaan alinsunod sa batas hiling ng SC sa 2020

Umaasa si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na makakakuha ng mas malakas na suporta ang kanyang sinimulang reporma sa judicial system sa bansa sa pagpasok ng 2020.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Peralta para sa bagong taon.

Ayon sa punong mahistrado, kanyang ipinakilala ang mga nabanggit na reporma para sa layuning makapagbigay ng mabilis, patas, maasahang hustisya na tumutugon para sa lahat ng Pilipino anuman ang estado sa buhay.

Kaugnay nito, nananawagan si Peralta ng suporta mula sa lahat ng mga Filipino para magtagumpay aniya ang kanyang ginagawang pagsisikap na mas mapabuti ang sistema ng hudikatura sa bansa.

Dagdag ni Peralta, kaisa siya ng sambayanang Pilipino sa pagdarasal para sa mas masagana at maunlad na bansa na mapayapang pinapangasiwaan ng pamahalaan alinsunod sa batas.

Related posts

SP Sotto ipinagtanggol ang PH-China joint exploration deal sa mga bumabatikos nito

Powered by DWIZ

Aquino itinanggi ang mga paratang sa kanya ni Robredo

Powered by DWIZ

Umano’y liham ni Cadet Telan bago nasawi bineberipika na ng PNP

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More