35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Marikina gov’t planong gawing libre ang COVID-19 testing sa kanilang lab

- Advertisement -

Plano ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Marikina na gawing libre ang testing para sa kanilang mga residente oras na magsimula na ang operasyon ng kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) laboratory.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, maaaring dalawa o tatlong PCR machine ang kanilang gagamitin na may kakayahang makapagtest ng 200 hanggang 300 kada araw.

Aniya, oras na aprubahan ng Department of Health (DOH) ang kanilang testing center ay tutulungan rin nila ang mga lungsod at munisipalidad sa Metro Manila.

Samantala, nagtalaga rin dito ang Philippine National Police (PNP) ng dalawang grupo na may kasanayan sa swabbing upang kolektahin ang mga samples sa mga pasyente.

Sa ngayon, inilipat na ang naturang laboratoyo sa panibagong lugar makaraang hindi ito pumasa sa DOH dahil anila sa lokasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -