Marcelito Pomoy 3rd runner up sa AGT: The Champions

Marcelito Pomoy 3rd runner up sa AGT: The Champions

by Powered by DWIZ
41 views

Itinanghal na third runner up sa America’s Got Talent: The Champions ang Pinoy doble-kara singer na si Marcelito Pomoy.

Magugunitang ilang beses ding nakatanggap ng standing ovation mula sa mga audience at maging sa mga judges na sina Simon Cowell, Howie Mandel, Heidi Klum at Alesha Dizon ang mga naging permormance ni Pomoy sa AGT.

Tulad na lamang ng awiting The Prayer na kinanta ni Pomoy sa kanyang unang pagsabak sa AGT na nagpa-“wow” sa lahat.

Gayundin ang kanyang naging finale performance na Beauty and The Beast.

Si Pomoy ay una nang naging grand champion ng Pilipinas Got Talent noong 2011.

Samantala, dance group na V.Unbeatable naman ang naging kampeon sa nabanggit na kompetisyon.

0 comment

Related Posts